Thursday 8 August 2013

Goodbye and Hello.

Medyo matagal tagal ko rin tong pinagisipan. Actually wala pa nga akong pinagsasabihan sa mga tropa ko tungkol sa ginawa ko. Gusto ko kasi ako lang yung magdedesisyon para dito. :D

Pagkagising ko 11 something, naligo ako tapos umalis. Nagtungo ako sa Quiapo Hidalgo para magbenta. Ng ano? Ng SLR. Binenta ko na ang kaunaunahang SLR ko, si Jasmin. Nung 2011 ko pa sya binili. Binenta ko sya para ang perang mapagbebentahan ko eh maipandagdag ko sa bagong kamerang bibilhin ko. Nung naibenta ko na, sinimulan ko ng maghanap ng nais kong unit. Bali ang bibilin ko lang ay body at battery grip. Nakakita ako sa Henry's. 29k nakipagtawaran pa ko at naipush sa 28200. Ayaw patalo nung may ari kaya umoo na ko kasi sa iba 30k pa ang bentahan kaya kinagat ko na. Bumili rin ako ng batter grip worth 3800. Sabi ko bumili naman na ko ng D7000 kaya bawasan narin nila. So 3300 ang last last last price nila. Balak ko sanang magphoto walk kaso nakakatakot. Di ko akalain na ganon katao ngayong araw dun. Kaya nagshoot lang ako nung konti na tao.




After nyan, I decided to take pictures of the church. Tinry ko mag picture sa loob pero pinagbawalan ako obviously kasi it is God's home. Sorry po. 


Edi nakidaan nalang ako sa loob. Haha. After nun nakita ko yung mga barker tapos natutuwa akong kunan sila ng picture kasi alam nilang kinukuhaan ko sila pero di sila nagpapahalatang alam nila. Basta. Haha. Sabi pa nung isa yung bungi daw kunan ko. Haha! Di ko makunan ng maayos kasi puro naka pikit sya. XD


Tapos habang nagaantay ng jeep, nagmasid masid muna ako at bumili ng 4 seasons sa malapit na 7 11





So yan ang araw ko. :D



No comments:

Post a Comment